top of page

KARANGALAN PO NAMIN ANG MAGLINGKOD SA INYO!

 

ANG PAMUMUNONG WALANG ITINATAGO O TRANSPARENCY

 

Aming titiyakin sa bahagi ng Sangguniang Barangay, ang regular na pagdaraos ng Barangay Assembly upang makapag-ulat at marinig ang mga ninanais na gawin ng mga mamamayan Bagbagueno, para sa ikauunlad ng Barangay Bagbag.

 

Titiyakin din namin ang pagpo-post ng buwang koleksyon, kita at kung saan inilaan ang salaping nalikom ng ating Barangay, upang makita ang kabukasan ang ating pamamahala walang itinatago.

 

Isasapubliko din natin ang pag-uulat sa taunang kita sa buwis ng Barangay, kasama ang mga naging gastusin kung anu-ano at papaano ito ginastos ng Sangguniang Barangay.   

 

ANG PAMUMUNONG MAY DAGLIANG PAGTUGON

 

Ang pagtatayo ng Public Information Desk, ay malaki ang maitutulong nito sa mabuting pamamahala na matagal na nating inaasam-asam.

 

Ayon sa itinatadhana ng ng Batas ng Republika ng Pilipinas, sa ilalim ng Republic Act 9485 o mas kilala sa Anti-Red Tape Act of 2007. Ang ating Barangay ay mayroong tinatawag na Citizen's Charter, na kung saan dito makikita natin ang mga mga proseso, bayarin sa mga mahahalagang dokumento ng Barangay, katulad ng pagkuha ng mga Business Permit, Barangay Clearance, Barangay Identification Card at iba pang mahahalagang dokumento. 

 

Tayo rin ay nagbuo ng tinatawag na Barangay Disaster Risk Reduction Management Council o BDRRMC, upang dagliang makatugon sa panahon ng sakuna sa ating mga kabarangay. Sa tulong ng ating mga parner PO's/NGO's ay isulong natin ang Community Based Disaster Risk Reduction Management o CBDRRM, na may akma ay mabilis na pagtugon sa panahon ng pananalasa ng mga sakuna na likha ng kalikasan.

 

ANG PAMUMUNONG MAY PANANAGUTAN 

 

Atin din pong ilalathala ang mga "Bonds by Concern Officials" at paglalathala kung sino ang komite na namamahala sa "Bids and Awards". Nang sa gayun ay makita ninyo ang pagiging bukas ng aming pamamahala na mayroong pananagutan.

 

Atin ding ilalathala ang lahat ng mga kasangkapan, kagamitan, pasilidad at iba pang pagmamay-ari ng ating Barangay. 

 

ANG PAMUMUNONG MAY BUKAS NA PAMAMAHALA

 

Tayo po ay regular ding magdaraos ng mga Public Hearing at pagdaraos ng mga pampublikong asembliya sa mga batas, resolusyon at mga ordinansang ipapatupad ng Sangguniang Barangay.

 

Ang pagtatayo ng mga Barangay Based Intistution, upang matugunan ang mga pangangailangan ng mga mamamayan ng ating Barangay.

 

Pagitiyak na ang lahat ng mga mamamayan at mga organisasyon sa lahat ng sulok ng Barangay, ay maitatala ay mairerehistro sa tanggapan ng Punong Barangay, batay sa kanilang mga legal na dokumento at pagkakakilanlan.

 

Ang paglalatag ng mga plano ng Barangay o Barangay Development Plan para maging bahagi ang mamamayan ng Barangay sa pagpapatupad nito ayon sa kanilang mga pangangailangan. 

 

Tayo po ay magkakaroon ng akma at kongkretong mekanismo, kung papaano ipapaabot ng mga mamamayan ang kanilang sariling pagtatasa at puna sa ipinatutupad ng mga proyekto at programa ng Barangay Bagbag.

 

 

 

 

 

 

Maisasakatuparan po ang lahat ng ito, kung kayong mga mamamayang Bagbagueno, ay aming magiging katuwang sa mga reporma at pag-unlad ng ating mahal na Barangay Bagbag. Ang pag-unlad, ay walang "Magic Formula" sa paghampas mo ng mahiwagang baton ay nagbago na.

 

Tayong lahat po ang susi sa tunay na pag-unlad, reporma at mga pagbabagong ninanais natin sa ating Barangay. Hindi ako, hindi sila, hindi ikaw. Kundi tayong lahat pagnagsama-sama, ang pangarap natin ay matutupad at uunlad. Iwasan na natin ang pumuna, kung tayo mismo ay walang ginawa.

bottom of page