top of page

HON. RICHARD V. AMBITA

Public Servant

Para sa aming mga Kabarangay.

 

Mahalaga po para sa amin na kayo ay maabot sa ano mang uri ng komunikasyon at paggamit ng makabagong teknolohiya, sampu ng aking mga kasama sa Sanggunian. Upang maipaalam sa inyo, kung ano na ang naabot ng aming bukas na pamamahala at paggogobyerno sa ating mahal na Barangay Bagbag.

 

Bahagi pa rin po ng aming mabuting pamamahala, ang paggamit ng mga teknolohiya, katulad ng Social Networking Site, upang mas mabilis na makatugon sa mga pangangailangan ng ating mga kabarangay.

 

Ang ano mang mensahe ang nais ninyong ipaabot sa ating tanggapan, ay maaari na ninyong iparating 24/7 sa pamamagitan ng ating opisyal na website, at makakaasa po kayo na ang inyong mga nais na iparating ay mananatiling konpedensyal at dalian po natin itong aaksyunan.

 

Maaari din po kayong magsaliksik sa mga nilalaman ng ating opisyal na website, upang malaman ninyo ng mga kaganapan, programa at mga panawagan ng ating Barangay.

 

Hangad po namin ang inyong taos-pusong pagsuporta, para sa ikauunlad ng ating Barangay. Hindi po namin ito magagawa kung wala po ang tulong mula sa inyo.

 

MARAMING SALAMAT PO!

  

bottom of page