top of page

Mga risendente ng Barangay Bagbag sa lungsod quezon, nasunugan.

 

Alas tres pasado ng hapon Abril 10, 2014, ng makatanggap ng tawag ang tanggapan ng Barangay Bagbag na mayroon sunog sa Maloles. Agad itong narespondehan ng mga pamatay sunog. subalit sa kasamaang-palad, mabilis na natupok ang mga kabahayan dahil sa gawa ito sa mga Light Materials, idineklarang fireout ganap na ika-4:15 ng hapon.

 

Makikita sa larawan na kuha ni Kgg. Michael P. Canlas isang barangay kagawad, na hindi sinanto ng apoy ang mga kabahayan. Mahigit sa 32 kabahayan ang natupok, at mahigit sa 64 pamilya ang apektado at 1 batang nagngangalang Claret Dela Cruz, isang (1) taong gulang ang nasawi sa nasabing sunog.

 

Ayon sa kwento ng mga residente nagsimula ang sunog sa isang kable ng kuryente. Ayon naman sa iba ay mula sa isang batang naglalaro ng apoy. Dahil dito, patuloy na iniimbestigahan ng Novaliches Fire Station ang tunay na kaganapan ng nasabing sunog.

 

Ang mga pamilyang apektado ng sunog ay nasa evacuation center sa Christ the King Parish (Kingspoint Subd.) Agad nag padala ng tulong ang pamahalaang panglungsod, local DSWD (SSDD) at ang pamahalaang barangay ng Barangay Bagbag. Sa kasalukuyan ay patuloy ang relief operation ng tanggapan ng Punong Barangay, para mabigyan ng maayos na tulong ang mga biktima ng sunog. 

 

​Nananawagan din po ang Barangay Bagbag sa mga nagnanais na tumulong sa residenteng biktima ng sunog.

bottom of page